Paano mo malalaman kung ikaw ay in love?
Para sa mga taong utak ang pinaiiral kaysa puso, mga sampung taon pa nila mapagtatanto na nagmamahal nga sila. Yung tipong medyo huli na ang lahat at maraming panahon na ang nasayang at lumipas saka sila magigising sa katotohanan.
Signs and Symptoms
1. Napapanaginipan mo Siya.
Sabi nila, kapag napapanaginipan mo ang isang tao, ang ibig sabihin nun ay iniisip ka niya. Maaaring isang araw, nagising ka nang napanaginipan mo siya, pagbukas mo ng messenger mo, nag message siya sa iyo at nagpadala ng litrato tungkol sa mga life struggles niya, kinaumagahan nakita mo sa timeline niya yung pictures na sinend niya sa iyo kasama yung pictures nila ng girlfriend niya; well, hindi ka naman na inform na may jowa pala siya at bakit pa siya nagkuwento ng mga paghihirap niya sa iyo eh may jowa pala siya, sa sobrang inis mo, sinabi mo sa sarili mo na hindi naman maganda yung jowa niya, maputi lang, pero affected ka at inunfriend mo siya; nagkahugot ka bigla sa lahat ng maputing hindi naman kagandahan kahit wala naman silang ginagawa sa iyo. :D
2. Naaalala Mo Siya sa mga Movies na Napapanood Mo.
Ang Kwento Nating Dalawa
I'm Drunk I Love You
Meet Me St. Gallen
Ilan lang ito sa mga pelikulang umantig sa iyong puso.
(Wow. Lalim) Tinamaan ka sa mga hugot movies pero wala ka namang matinong love life. Lalo na iyong mga pelikulang mahal ng kaibigan mo yung taong mahal mo
(karibal siya, bes), mahal mo siya at mahal ka niya pero friendzone kayo, mahal ka niya pero hindi ka niya kayang panindigan at ipaglaban, mahal ka niya pero hindi niya naman sinabi, feeling mo lang yun kasi yun ang pinaramdam niya sa iyo
(paasa siya, ganun) pero ayaw mong mag assume kaya pinilit mong i deadma na lang
(kaya minumulto ka ng damdamin mong pilit mong pinatay), mahal mo siya at mahal ka niya pero the universe did not conspire for the two of you kaya hindi naging kayo
(sisihin ang universe)
The Gifted
--- ito yung movie na...
(nakakahiya pero all out na 'to) akalain mo umiyak ka sa eroplano nung pinapanood mo 'to kasi sa isip mo kung sana magkakaanak kayo magiging gifted rin yong anak niyo kasi parehas kayong talented plus may mga intellectual conversations pa kayo na kayo lang ang magka wavelength
3. Kapag malungkot ka mahilig kang mag dwell sa mga Hugot Songs tulad ng
Sa Kanya by Sharon Cuneta
Hanggang Ngayon by Kyla
Steep by Laureen Christy
Out of Reach by Gabrielle (Pinaka feel mo)
Hanggang Kailan by Michael Pangilinan
dagdagan pa ng mga OST
Hanggang Dito na Lang by Jimmy Bondoc
Burnout by Sugarfree
Masyado kang overwhelmed sa mga kantang 'to, paulit ulit mong pinakikinggan sa YouTube kasi
gusto mong sinasaktan ang sarili mo.
Pagkatapos ng isang dekada, desidido ka na ng sabihin sa kanya na mahal mo siya kahit di ka sigurado kung saan hahantong iyon. Gusto mo lang palayain ang puso mo dahil baka lang naman that feeling was haunting you because his part in your life story deserved an end. Ahhh... ang sarap magmahal pero ang saket. Kung sana ang pag-ibig parang dugo na pwedi mong i extract at i transfuse sa iba para ibang tao na lang ang mahalin mo. May mga tao kasing alamat, parang ikaw, di marunong magmahal ng iba kahit pa yong ibang taong yon ay kaya kang mahalin ng higit pa sa deserved mo.
5. Malalaman mong mahal mo ang taong iyon
kung siya lang ang laging laman ng puso't isip mo. Kung siya lage ang gusto mong pagkwentuhan ng mga masasaya at malulungkot na kabanata ng buhay mo, mga pangarap mo at great milestones mo kahit may jowa ka na o may jowa pa siya, siya pa rin. Siya lang. Kahit hindi ka pa sigurado sa future niyo kapag naging kayo, kahit mas malayo pa ang mararating mo ng wala siya, babalik ka pa rin para sa kanya. Para lang makita siya at msabing minahal mo siya.
#