Thursday, March 26, 2015

Something Inspirational

Her ultimate dream was not to have a grand house or a luxurious car but to have something to share to others and make others inspired. Her dreams came true when she was given a chance to give an inspirational message to the high school undergrads of a certain public school.

Here's her speech.

Sa ating mga estudyante, mga magulang, mga magigiting na guro at panauhing pandangal, isang napakainit ngunit napaka positibong umaga po sa ating lahat. Isang malaking karangalan para sa akin ang mabigyan ng pagkakataon na makapagbahagi ng kaunting ispirasyon sa inyong lahat.

Nais kong ibahagi sa inyo ang isang kwento. Kwento ng aking kaibigan si Rio.

Katulad ninyo, siya ay galing din sa isang mahirap na pamilya. Araw- araw, kailangan niyang lkarain ang dalawa at kalahating kilometrong layo ng eskwelahan mula sa kanilang bahay sa ilalim ng nakakapasong init ng araw. Kaya kung maitim kayo ngayon, mas baluga siya noon. Kasi noong panahon niya, hindi pa uso ang kojic soap. 

Tatlong piso lang ang baon niya hanggang sa makapagtapos siya ng elementarya. Kung tutuusin, napakaliit pero pwedi na rin naman siyan makabili ng isang ice candy at bobot, para meron siyan singsing.

Noong hayskul naman siya, napakasaya niya sapagkat tumaas na ang kanyang baon. Labinlimang piso. Kaso sampung piso naman an pasahe sa traysikel kaya ang lage niya lang nabibili ay malamig na tubig, kendi at tatlong pisong ulam na may sabaw. Dahil ang baon niya lage ay galunggong at siyempre kanin. Kahit mahirap sila, lage silang may bigas. 

Sa kabila ng lahat, hindi siya nagreklamo dahil anim silang magkakapatid. Panlima siya at nang mga panahong iyon ay nasa kolehiyo na ang iba pa niyang kapatid. Dahil mahirap lang sila, hindi sterling ang brand ng notebook niya at ang ballpen niya ay hindi Pilot kundi Panda. Siguro HBW na ang uso ngayon. #lakingpublic school. Sabi kasi ng nanay niya, hindi importante and mamahaling notebook, ang importante, maganda ang handwriting at binabasa ang isinusulat.

Mahirap mangarap kung mahirap ka. Gustuhin niya mang maging doktor wala naman silang pera kaya ginusto niya na lang maging nurse. ambisyosa pa rin no? Close sila ni Lord, kaya nanalangin siya na kahit mahirap at parang imposible man, sana ay makapagtapos siya bilang class valedictorian sa high school para magkaroon siya ng 100% tuition fee discount sa kahit anong university na mapasukan niya. 

Gusto niya talaga sa insang magandang school mag-aral. Something that rings a bell. At nanalangin pa siya na sana magkaroon siya ng scholarship na ililibre siya sa lahat ng kailangan niya sa pag-aaral para hindi niya na problemahin ang pera bawat enrolment. At dahil close nga sila ni Lord, tinupad ni Lord ang wish niya at naging iskolar siya sa isang pampublikong unibersidad. 

Akala niya iyon na ang katuparan ng lahat ng kanyang mga pangrapa. Nakalimuta niya ang sabi sa kanta "be careful what you wish for." mahirap palang mag-aral doon. Malayo sa magulang, pag nagkasakit ka kailangn mong alagaan 'yong sarili mo. Dalawang beses ka lang uuwi sa isang taon. Absent siya sa maraming birthday, kasal, libing at family reunion. Ang pinaka hindi niya malilimutan noong una niyang punta doon ay nang nagtanong siya sa karenderia, "Ale, may pochero kayo?." Sabi ng ale, "ha, unsa na?". And she was like, "OMG, di niya alam ang pochero. Dahil nasa Marawi City nga siya, hindi lang pochero ang wala. Maraming wala at alam niyo na yon. Mahirap talagang mag- adjust. Dahil walang mall doon, malaki na para sa kanya ang living allowance na  Php 5,000.00 kada buwan. Libre din naman kasi siya ng bahay, libro at uniform. 'Yong budget niya para sa comfort food niya na pochero, pinambili niya na lang ng ballpen. MAraming maraming Panda na ballpen na iba ibang kulay. pag malungkot siya, ballpen lang mabili niya masaya na siyakasi mahilig siyan magsulat. Di nakalimutan ang pagiging Journalist of the Year niya noong high school.

Sa pampublikong paaralan din siya nag-aral noong high school. At dahil nga valeditorian siya, akala niya matalino na siya. Pagdating niya sa state university kung hindi valedidtorian, graduate ng science class ang mga classmates niya. And she was like, "so what kung may biostatistics kayo noon high school at kami nganga?."Di siya maka relate sa mga kaklase niya. Andaming mani ang naubos niya sa ka ka aral sa math tapos lang ang grade niya. Ang hirap din ng statistics grabe. Dagdagan pa ng major subjects na first year poa lang meron na. Sa sobrang hirap yong eyebags niya di na naka move on. dumating talaga sa punto na gusto niya ng sumuko. Pero sabi niya sa sarili niya, "if Jesus carried his cross, why can't she carry hers?".

Nagbunga lahat ng pagsisikap niya pagkatapos ng apat na taon at napaupo niya ang magulang niya doo sa may karatulang parents of honor graduates at naipasa niya ang board exam ng may magandang rating. Siya ay isang patunay na kapag may tiyaga, may nilaga. At pag may nilaga, may pochero. Lelzz.

At iyon ang kwento ng kaibigan kong si Rio.

Mula sa karanasan niya, may tatlo akong payo na ibibigay sa iyno.

First, dream BIG. Dreams do come true. Kahit mahirap ka, may karapatan kang mangarap. KAhit mahirap ka may maitutulong ka sa lipunan.

Second, do something that your future self will thank you for. Ang tagumpay ay hindi lamang para sa mga class valedictorian ant cumlaude, ito ay para sa mga may pera. Chos...Ito ay para sa lahat ng nangangarap at patuloy na nagsusumikap. Maraming tao ang tumulong sa akin na maabot ko kung anong meron ako ngayon at nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Pinapasalamatan ko rin ang sarili ko for not having a complicated life because of my good skill in decision making. Lahat tayo ay may iba't ibang kakayahan at talino. Kaya hinihikayat ko ang lahat ng mga magulang na huwag sumuko sa kanilang mga anak at magsumikap na gampanan ang kanilang tungkulin na mapagtapos sila hanggang kolehiyo kasi kung nakaya ng magulang namin, kaya niyo rin. Sa mga estudyante, gampanan niyo rin ang tungkulin ninyo bilang mag-aaral. Dahil ang pinapaaral sa inyo ay mula sa buwis ng maraming manggagawang Pilipino. Kung magka college kayo, study in a reputable school. Hindi ko ibig sabihin an doon talaga kayo sa ADMU o DLSU o UST kung hindi niyo naman afford.

Sa mga gustong mag-ara sa school ko, maraming campus ang school namin. MAy GenSan, may Maguindano, Marawi, Iligan at iba pa. Pero mas maganda sa Iligan kasi mas maraming cute doon. Lelzz.

Speaking of cute... the third and last advice I could give you is that... Love only when you are ready. Kung ngayon pa lang feeling niyo ready na kayo, e di wow!

I have a love story to share... Once upon a time, there was a simple girl who fell in love with two guys. But the two guys didn't love her... Because the two guys... love each other... Lelszz. Sa panahon nagyon, ruler na lang ang straight.

Siguro, marami sa inyo ang nalulungkot dahil wala silang boyfriend o girlfiend o di kaya feeling nila walang may crush sa kanila. Pero isipin niyo ang kinabukasan niyo. Bilang estudyante, ang priority mo ay pag-aaral at hindi lovelife. Ako dati, lagi na lang akong nasa MU relationship. Mag-isang umiibig o malabong usapan! Kung kinikilig kayo talaga sa  crush niyo... ok lang yan, I feel you too. :)

But love only when you are ready. Remember that love can wait but school cannot. Tru love is not a feeling. It is a combination of so many things. Relationship is also expensive. It takes a lot of your time, money and effort. It is an investment with a very high risk. Before you invest,ask yourself if you are ready to get bankrupt. Mag-isisp ka kuya kung ayaw mong maging batang ama. Invest first in education. In reality, the only asset you have is your mind, the most powerful tool we have dominion over.

Happiness is somewhere between too little and too much. May you just have enough wealth to meet your needs but enough poverty to learn how to work hard. Enough hope to keep you happy but enough sorrow to keep you human. Who you are is God's gift to you. But who you become is you gift to God.

Maraming salamat po.#




No comments:

Post a Comment

Year 2020: Year of Closure and New Beginnings

Yup. I decided to resign. I felt that, I will only be 28 once and at this age, I should have found my lifetime partner already. Getting preg...